Referee sa 88th NCAA basketball tourney, mas estrikto

MAS istrikto ngayon ang “officiating” sa nalalapit na 88th NCAA basketball tournament na magsisimula sa Sabado-Hunyo 23 sa Smart Araneta Coliseum.

Pakay nito na maiwasan ang gulo sa court hindi tulad ng nangyari sa ilang pre-season tournament na nakakapekto sa resulta ng laro at nakakapagpapangit sa sport na basketball sa kabuuan.

Ayon ito sa deputies ni NCAA Commissioner Joe Lipa na sina Romy Guevarra at Bai Cristobal kahapon sa idinaos na press con ng NCAA Season 88.

Kabilang sa bagong panuntunan na ipatutupad ay ang pagbabawal sa panduduro ng player o ng coach, paniniko ng player at pandudura sa kapwa manlalaro.

Agad tatawagan ng technical foul ang player o coach na makikitang nanduduro habang ang player na maniniko at tatama ang siko sa anumang bahagi ng katawan na lampas balikat ay awtomatikong ipatatapon.

Ang mandudura mang player sa kapwa niya player ay awtomatiko ring ipatatapon sa labas ng court dahil ang ginawan iya ay mag-uugat ng malaking gulo at maaari siyang patawan ng mabigat na parusa.

Maliban sa mga nabanggit na mga bagong ruling, marami pang  pagbabago o idinagdag sa mga dati nang rules na may kaugnayan din sa kadalasang pinagmumulan ng away sa loob ng court na ayon kina Cristobal ay naipaalam na nila sa lahat ng mga kalahok na teams at coaches.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply