Relasyong US-PHL muling pinagtibay

MULING pinagtibay nina Pangulong Benigno Aquino III at US President Barack Obama ang kanilang commitment para sa pagpapalakas ng relasyon at tulungan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Ito’y matapos ang pagpupulong ng dalawang lider sa loob ng Oval Office sa White House.

Kapansin-pansin na mainit ang ginawang pagtanggap ni Pres. Obama kay Pangulong Aquino at masayang nagkamayan ang mga ito bago nagsimula ang pulong.

Ayon kay Pangulong Obama, sa kanilang joint statement ni Aquino na ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika ay dumaan sa maraming pagsubok at matagal na ang kanilang pagkakaibigan at nararapat lamang na ipagpatuloy ang pagtutulungan.

Bagama’t taliwas sa inaasahan, walang nabanggit si Obama kaugnay sa kung ano ang gagawin sa tensiyon sa West Philippine Sea.

Tanging mga general statement lamang ang nabanggit ni Obama partikular ang kaniyang kahandaan na tulungan ang Pilipinas para sa seguridad sa Asia-Pacific region at proteksiyon ng teritoryo ng Pilipinas.
Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Aquino, na labis siyang nagpapasalamat sa Amerika sa kanilang pagiging tunay na kaibigan at kaalyado na dumaan na sa maraming panahon.

Makaraan ang halos isang oras na pulong nina Pangulong Aquino at Obama ay agad na ring umalis si PNoy papuntang Los Angeles, kung saan haharapin nito ang Filipino community at makikipagkita kay American Idol runner-up Jessica Sanchez.

Nauna rito, binigyang diin ng gobyerno ng Pilipinas na wala itong balak galitin ang China at palalain ang tensyon sa pakikipagpulong ng Pangulong Aquino III kay Obama kaugnay sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, ginagawa lamang ng gobyerno ang kanyang obligasyon na tingin nito ay nararapat para maidepensa ang sarili sang-ayon sa ating interes at hindi sa tingin ng ibang bansa.

Ang ginagawa umano ng Pilipinas ay nakatuon sa defensive posture lamang at hindi ito paghahanda sa anumang opensiba o pag-atake kaya hindi dapat isiping isa itong paghahamon.

“We have no intention of provoking or escalating this conflict. But we have an obligation to the Filipino people to be able to defend ourselves. And we will make… we will take action based on what is in our interest and not because one country or another feels it might escalate things. We have told everybody this in ASEAN summits, in every chance we have: If you look at the kind of defense posture that we are developing, it is precisely that. All the equipment that we are trying to acquire, all the capabilities that we are trying to enhance are meant for our defense. We are not trying to develop any offensive capability and we never have. So that should put to rest concerns that other countries might have about our intentions,” ayon kay Sec.Carandang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply