Religion and boxing

MAINIT pa rin sa mga kuwentuhan ang kontrobersyal na pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Tim Bradley. Luto raw.

Incompetent ang judges. Pinasukan daw ng Mafia at iba’t ibang opinyon. Bihira ang nagsabi na talo talaga o kaya’y mahina talaga si Manny. Pero meron namang nagsabi na sumobra na raw sa panalangin ni Pacquiao at taliwas na sa turo ng Bibliya ang manakit sa kapwa tulad ng larong boxing. “Wake up call” na raw ito para kay Manny kaya siya natalo.

Nagtaka lang ako sa ganitong opinion. Ibig bang sabihin na sa kabila ng mataimtim at madalas na Bible study at panalangin ni Manny Pacquiao ay ninais pa rin ng Panginoon na matalo si Pacman? At kung ninais nga iyon, bakit kailangan pang “lutuin” ng judges o “pasukan ng Mafia” ang pagkatalo ni Manny, eh mas madali na patumbahin na lang si Pacman para wala nang kontrobersya.

Bakit ba isinisisi ang pag-Bible study ni Pacman sa kanyang pagkatalo? Bakit kailangan natin ikonekta ang kanyang talo sa mga panalangin na ‘di yata pinaboran?

Sa tingin ko ay walang koneksyon ang religion sa pagkatalo ni Pacman. Simple lang. Split decision, mas marami ang bumoto na judge pabor kay Bradley. Luto man o hindi. Decision nila iyon. Irespeto na lang kahit hindi tayo sang-ayon.

Huwag magsisihan. At huwag kutsain ang pagiging madasalin ni Pacman.

“Sumobra naman kasi ang dasal ni Pacman,” sabi ng iba. Tingin ko, kahit kailan ay walang hangganan dapat ang ating panalangin. Kahit magdasal tayo oras-oras, kailanman ay hindi sosobra yan. Marahil ang sumobra ay ang pagpapakita sa publiko ng pagiging madasalin ni Pacman. Bawat salita na ni Pacman ay binabanggit niya ang Panginoon. Ok naman yun. Ok rin naman na tahimik kang magdasal nang walang media mileage. Tulad marahil ni Bradley na maaaring nagdasal din nang hindi ipinakikita at siya lang at ang Diyos ang magkasama.

Naniniwala ang inyong lingkod na ang bawat tagumpay natin ay kaloob ng Diyos sa atin. Hindi natin mararating ang tagumpay kung wala ang Panginoon. Tulad ni Pacman, tama siya na ang kanyang tinatamasang tagumpay sa lahat ng larangang kanyang sinalihan ay kaloob ng Diyos. At ang pagkasawi naman ay huwag isisi sa Diyos. O kaya’y sasabihin kaagad na kagustuhan ng Diyos na matalo o masawi ka. Marahil ay hindi lang para sa’yo. At para sa iba naman. O kaya’y isang pagsubok na dapat daanan. Ano man ang dahilan, ang mahalaga ay huwag tayong bibitaw sa Kanya.

Tulad ni Pacman, isang talo lang yan. Huwag natin paghinayangan dahil meron pang susunod na laban. Ang mahalaga ay ituloy ni Pacman ang maglingkod sa Panginoon at tahimik na manalangin para hindi sabihin na palabas lang yan at para hindi pagbuntungan ng sisihan.

Who knows, baka kailangan munang matalo si Pacman para matalo naman ang mga taong gumagamit kay PACMAN.

Pinagpupustasan at pinagkakakitaan. SUGAL yan at dapat siguro matigil yan.

MABUHAY KA PACMAN!!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply