Rematch itinanggi ni Arum, pag-iimbestiga sa scoring iginiit

GALIT pa rin si Promoter Bob Arum sa naging split decision verdict na ibinaba kontra Manny Pacquiao at aniya wala munang rematch kay Timothy Bradley maliban lang kung si Nevada Attorney general Catherine Cortez Masto ay magsasagawa ng imbestigasyon.

Si Bradley, na 4-1 underdog ay pinalungkot si Pacquiao sa isa sa pinakakontrobersiyal na desisyon sa maraming taon at manakaw sa kanya ang WBO welterweight title.

Naka-hold ang usapang rematch kay Bradley hangga’t walang linaw siyang mababalitaan hinggil sa kanyang apela.

Bagamat nagpoprotesta ang fans at media, marami rin ang umaakusa na pakana ni Arum ang pagkatalo ni Pacquiao, hinihiling pa rin ng veteran promoter na imbestigahan ang lahat.

“I want to investigate whether there was any undue influence, whether the (Nevada Athletic Commission) gave any particular instruction and how they came to this conclusion,” ani Arum, na nagsabi sa post-fight news conference na ang resulta ay nagkamali lamang. “But the whole sport is in an uproar. People are going crazy.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply