Rep. Homer Mercado nagbitiw sa 1-UTAK

NAGBITIW na bilang kinatawan ng 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK) si  Congressman Homer Mercado bunsod ng kanyang nominasyon para kumatawan sa party-list na 1 Joint Alliance of Marginalized Group Inc. (1JAMG) na kabilang sa sektor ng agrikultura.

Ito mismo ang kinumpirma ng kongresista kung saan aniya, noon pa man ay kapakanan na ng mga magsasaka ang nasa puso niya kaya hindi na niya matanggihan ang nominasyon para kumatawan sa 1JAMG.

Kailangan niyang bitawan ang naturang posisyon alinsunod sa Commission on Elections (Comelec) resolution na dapat siyang magbitiw para maging nominado ng ibang grupo.

Nakatakda namang pumalit sa puwesto ni Mercado si Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Zenaida Maranan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply