Rep. Pacquiao nasa Pinas na

DUMATING na sa bansa si Peoples’ Champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao, ngunit hindi kagaya ng dati walang naganap na magarabong seremonya o programa para sa pagsalubong sa kanya.

Pasado alas-singko kaninang madaling araw lumapag ang eroplanong sinakyan ni Pacman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Ayon sa Pambasang Kamao sa punong balitaan sa NAIA, ayaw niya ng “hero’s welcome” dahil bukod sa hindi niya naidepensa ang kampeonato ay nalulungkot siya sa balitang naapektuhan ng matinding pagbaha ang kanyang bayan.

Pagkatapos ng pulong balitaan, dumiretso si Pacquiao sa isang hotel sa Pasay City para magpahinga.

Dadalo naman mamaya sa misa sa Quiapo Church sa Maynila ang mambabatas, na bahagi na rin ng kanyang panata.

Nakatakdang bumiyahe bukas si Pacquiao pa-Sarangani para ayudahan ang kanyang mga kakabayan.

“Masaya ako dahil nakabalik na ako. Bukas pupunta rin ako ng Sarangani kukumustahin ko ang distrito ko. ‘Yon ‘yon ang isa sa mga iniuwi ko rito na importante.”

Muli ring snabi ng Pambasang Kamao sa mga mamamahayag at mga fans na nag-abang sa kanya na mag-move na at tanggapin ang naging resulta ng laban ni kay Timothy “Desert Storm” Bradley.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply