Resignasyon ni Rep. Mercado isinumite na kay Belmonte

ISINUMITE na ni 1-UTAK Partylist Rep. Homer Mercado ang kanyang resignasyon bilang miyembro ng Kamara de Representantes kay House Speaker Feliciano Belmonte.

Kasunod ito ng pormal na pagbibitiw ni Mercado bilang number 1 nominee ng 1-Utak Partylist.

Sa kanyang resignasyon ay binanggit ng kongresista na lilipat siya sa Joint Alliance of the Marginalized Group o 1-JAMG kung saan siya rin ang magiging number 1 nominee.

Ang resignasyon ni Mercado ay isinumite kay Belmonte at naging epektibo noong Mayo 29 ng taong kasalukuyan.

Tinukoy din ni Mercado ang nakasaad sa Commission on Elections (Comelec) ruling 9366 na kailangang magbitiw sa kasalukuyang posisyon o bilang miyembro ng Kamara ang isang nominee isang taon bago ang eleksyon o huling araw ng pagsusumite ng listahan ng mga nominess ng isang partylist group.

Bukod dito, mas maayos at malinaw din aniya ang adbokasiya na isinusulong ng kanyang bagong partido na 1-JAMG kumpara sa 1-UTAK subalit tumanggi naman ang kongresistang aminin na dismayado ito sa pinanggalingang grupo.

Si Mercado ay nanumpa bilang miyembro ng Kamara noong Marso 11, 2012 matapos ang mahabang sigalot sa Comelec makaraang magkaroon ng kaguluhan kung sino ang dapat na maging number 1 nominee ng 1-UTAK.

Papalitan naman si Mercado ni Zenaida Maranan, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply