Resto sinuyod ng SUV: 15 sugatan

TINATAYANG 15 ang nasugatan kasama na ang isang kritikal makaraang suyurin ng sports utility vehicle (SUV) ang isang restaurant sa Metro Walk, Pasig City.

Nabatid na nawalan ng control ang lady driver ng SUV (TXI 567) nang mag-overtake ito sa isang sasakyan.

Nagkabasa-basag ang mga bote at nagkawasak-wasak ang mga lamesa sa sinalpok na Oyster Boy at tumigil muna sa operasyon ang mga kalapit na restoran dahil sa insidente.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatang biktima.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury and damage to property ang hindi pa nakikilalang babaeng driver.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply