Retokada kasi kaya ayaw magpasampal sa isang eksena

SA SHOOTING ng isang pelikula, ang The Healing, may eksena na dapat ay sasampalin ng isang actor ang sexy star na si Ynez Veneracion pero natakot daw ang naturang actor dahil nakiusap ang sexy star na baka magdugo ang mukha nito gawa ng retokada pala ang nasambit na bold star.

Yes, sobrang takot na takot daw si Ynez kung sasampalin siya ng nabanggit na actor. Dahil dito, kinausap ng aktor ang director ng pelikula na si Direk Chito Roño kung ano ang gagawin nito matapos na siya ay pakiusapan ni Ynez Veneracion.

Sa totoo lang, muntik na palang na pack-up ang naturang syuting ng The Healing na ang bida ay ang Star For All Seasons at Batangas Governor na si Ate Vi. Pero nagawan din ito ng paraan dahil sa pinapili pala ni Direk Chito Roño si Ynez kung ayaw niyang pasampal ay duduraan na lang ito.

Pumayag na rin daw si Ynez na duraan na lamang ito kaysa masampal sa mukha. Sus ginoo, ano na lang kaya ang natitira sa katawan ni Ynez Veneracion na hindi pa nareretoke? (Katawa naman ever! Hahahahahaha! -Ed)

Lahat na yata halos ng parte ng katawan nitong sexy star na’to ay retokada ng lahat?? Harharhar!

***

SOBRANG saya at hot talaga ang bagong gag show na ito sa TV5 na Kapitan Owsome. Bida sa nasabing Gag Show na ito sa TV5 sina Empoy and Mark Escudero.

Syempre ang pinak bagong putahe sa palabas na ito ng Kapitan Owsome ang mga baklush na Wonder Gays. Mula sa direksyon nina Bb. Joyce Bernal at Sonny Topacio, every Saturday ng hapon 2:00 to 3:00pm ito pinalalalabas sa TV5. Well, matagal ng pangarap ng mga Wonder Gays na magkaroon sila ng isang regular show katulad nitong Kapitan Owsome kaya mas lalong na-eexcite nga raw ang mga baklush nang malaman nila na isang Bb. Joyce Bernal ang magdidirek nito. Idadag mo pa raw ang isang Topacio na matagal na nilang hinahangaan sa pagdirek, lalong mas solved.

Ayon pa sa mga Wonder Gays, para lang daw sila naglalaro sa kanilang taping.

Mahusay ang kanilang mga directors (Bb. Bernal at Topacio) kaya hindi rin sila nagkakasapawan.

Mga baklang Alien daw ang role ng mga Wonder Gays sa nasabing gag show na siguradong kababaliwan ng mga manonood.

Bukod sa bagong proyekto na ito ngayon ng mga Wonder Gays sa TV5, magiging abala na rin ang mga alagang bak lush ni Lito de Guzman sa bagong album nila na gagawin.

May mga concerts abroad pa ang grupo na gagawin sa susunod na buwan ng July. Konting tiyaga pa siguro at matu- tupad na rin ng mga hitad ang stardom na pangarap nila.

Well, sana nga’y huwag munang lumaki ang ulo ng mga baklush na ito at manatiling nakayapak pa rin sa lupa ang kanilang mga paa. Kahit kasi ang director ng Kapitan Owsome na si Joyce ay naghahanap ng isang bonggang proyekto para sa Wonder Gays. Bongga!!!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply