RH Bill pinakakalampag kay Aquino sa SONA

KUNG gustong maipasa ni Pangulong Benigno Aquino III ang kontrobersiyal na Reproductive Health Bill, kailangan isama niya ang isyu sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Sen. Pia Cayetano, chair ng senate committee on health and demography at principal sponsor ng nasabing panukala, kailangang mabanggit ni Pangulong Aquino sa kanyang state of the nation address (SONA) ngayong Hulyo ang kahalagahan ng RH bill upang gumalaw ang mga senador at kongresista para sa agarang pagpapatibay nito.

“I hope the President will reiterate his support for the RH bill in his coming state of the nation address to ensure its passage by August after Congress resumes session,”ani Cayetano.

May dalawang taon nang nakabinbin sa Senado ang RH bill, kung saan nitong Mayo lamang natapos ang period of interpellation ng panukala. Kung hindi maipapasa ang RH bill bago magsara ang third regular session ng 15th Congress sa Hulyo 2013, back to zero na naman ang lagay ng panukala, ibig sabihin ay kailangang isampa muli ang panukalang batas sa susunod na Kongreso.

Sinabi ni Cayetano na kailangang isabatas na ang RH bill dahil patuloy na lumolobo ang bilang ng mga babaeng namamatay sa panganganak.

Sa nakalipas na dekada, ang maternal mortality rate ay umakyat sa 221 deaths per 100,000 livebirths mula sa 162 namatay noong taong 2000 hanggang 2005.

Sablay umano ito sa target ng gobyerno na maibaba sa 52 ang MMR pagsapit ng taong 2015 bilang pagtalima sa Millenium Development Goals (MDGs).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply