RH, FOI bills posibleng isama sa SONA ni PNoy

TANGGAP ng Malakanyang ang wish list ng publiko na maaaring talakayin ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 23 sa Batasan Pambansa Complex.

Kabilang sa posibleng ikunsidera ng Malakanyang na isama sa SONA speech ng Punong Ehekutibo ay ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill at Freedom of Information (FOI) bill,  ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma.
.
“The President has been accessible to suggestions. In fact, we have been receiving a number of suggestions from the public. The President receives texts hoping that this will be the theme of the SONA or this should be included in the SONA. But this is going to be finalized and agreed upon by the President. He has his idea of the SONA. And let’s remember that the President, the version of his SONA in the first place by stating, by speaking in Filipino. He has continued to do so. Ang Presidente po ay open po sa mga suggestions but at the end of the whole discussion, kailangan po may tema hong dapat sundin, may gustong sundin ang Pangulo. So ‘yon po ang masusunod po. But ngayon po, just to let you know if the President’s open, are we open? We’ve been receiving suggestions, in fact, that’s a question that sinagot na namin kasi panay po ang tanggap namin ng mga suggestions,” sabi ni Coloma.

Bukod dito, may mga text na natatanggap ang Punong Ehekutibo sa kung ano ang kanyang mga kailangang sabihin sa SONA.

“Secret” naman ang naging tugon n Colomao sa tanong kung ano ang magiging tema ng SONA ni Pangulong Aquino sa naturang petsa.

Noong nakaraang taon,Hulyo 25 ay “Anti-wang-wang” ang elemento ng tema ng SONA ng Pangulong Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply