Riding in tandem, boooo! mountain bike, yehey!

ORGANISADO. Sindikato.

Ito ang masasabi natin tungkol sa mga riding-in-tandem na nanloloob sa mga bahay para magnakaw ng mga cash, alahas, gadget, at iba pang kagamitan na madaling isalya para maging kuwarta.

Sa Maynila nga, dalawang pulis ang itinurong salarin ng dalawang nabiktima nito.

So what else is new?

Sa Marikina naman, kahit na nakakulong na si Reynaldo Santos aka Diyablo, at Prince Lapid noong Biyernes – may pinasok pa rin ang riding-in-tandem sa Marikina Heights.

Suspetsa ng pulis na iisang grupo lang ito na kahit may mahuli na miyembro ay tuloy pa rin ang gawaing karumal-dumal.

Kaya’t mag-ingat po tayong lahat. Magbilin po tayo sa ating mga kapamilya at mga kasama sa bahay na laging ikandado ang gate o mga pinto.

Huwag din magpapasok ng mga hindi kilala kahit magpakilala pa ito na taga-Meralco o ano pang utility companies o delivery.

Ayon kay Kon. Frankie Ayuson na chairman ng aming Peace and Order Council sa Marikina, pumunta raw ang NBI noong Miyerkules dahil may pending warrant pala itong si Diyablo.

Marami pala itong kasong hinaharap. Eh kung ganun, bakit pinalit ulo ito dati ng Eastern Police District ng mahuli ito dati sa droga?

Tuloy, nakapanggahasa pa ito ng ilang dalaga dito sa amin.

* * * * * * *

Samantala, iniimbitahan ni Mayor Del de Guzman at Vice Mayor Fabian Cadiz  ang lahat ng mga biker at nagkukunwaring biker na makiisa at lumahok sa gaganaping “Cambio Del Independencia 2” sa ika-17 ng Hunyo, Linggo, sa ganap na ika-6 ng umaga sa Marikina River Park.

Ang tatlong mananalo sa bawat kategorya ay mag-uuwi ng ilang premyong salapi at medalya.

Bago ang itinakdang karera sa ika-17 ng Hunyo ay magkakaroon muna ng free trial race sa ika-10 ng Hunyo. Ang ruta ay magsisimula sa SM Marikina papuntang kahabaan ng Ilog Marikina at babalik muli sa SM Marikina.

Maaaring magpatala sa booth na itinayo sa SM Marikina Taxi Bay o sa tanggapan ng Marikina Bikeways.

Magdala ng PhP350 bilang registration fee kung may kasamang jersey o PhP150 naman kung walang kasamang jersey.

Para sa iba pang impormasyon at mga katanungan, tumawag o makipag-ugnayan sa Marikina City Bikeways Office sa numero bilang (02) 682-9575.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply