Rigodon sa Gabinete malabo pa– Malakanyang

MARIING pinabulaanan ng Palasyo ang naglabasang ulat kaugnay sa balasahan sa Gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, wala pang ipinahahayag ang Pangulo hinggil sa magaganap na rugidon kaya malabo pa itong mangyari sa ngayon.

Gayunman, nilinaw ni Lacierda na normal lamang na magkaroon ng balasahan sa Gabinete lalo’t hinihingi ng pagkakataon.

Natural lamang aniya ang ganitong mga sitwasyon depende na rin sa kung ano ang pangangailangan ng pamahalaan.

Samantala tiniyak naman ng Malakanyang na hindi sisibakin si  Undersecretary Jay Layug sa Department of Energy (DOE).

Ito ang inihayag ng Palasyo matapos kumalat ang mga balitang gusto umano ng Pangulong Aquino na tanggalin si Layug sa nasabing kagawaran.

Ayon kay Lacierda, pawang espekulasyon lang aniya ito dahil wala naman silang ipinalalabas na termination paper kay Layug at wala silang balak tangalin ito.

Binigyang diin pa ni Lacierda na kuntento ang Pangulo sa trabaho ni Layug kaya’t wala aniyang dahilan upang sibakin ito sa puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply