Roach hinulaang knockout si Bradley

GUSTO ni Freddie Roach ng knockout, pero lalaban siya nang patayan para talunin si Manny Pacquiao sa Sabado (Linggo sa Pilipinas).

Thumbs-up sign ang iniwan ng Hall of Fame trainer sa kanilang huling training camp sa Wild Card Gym bago lumulan ng bus patungong Las Vegas.

Hinayaan niyang mag-spar muna si Pacquiao ng apat na rounds kay Kevin Hoskins, umupak sa mitts hanggang makuntento siya.

“Good job,” ani Roach habang tinatapik si Pacquiao sa likod.  “He’s been very good to me.”

Sabi ni Roach sa Manila based writers, “He’s sharp. We have a good training camp, one of the best ever.”
Kaya naman naniniwala ang five-time Trainer of the Year na magagawang sukulin ni Pacquiao si Bradley sa unang knockout win sa huling limang laban.

Pero kung pipiliin ni Bradley na tumakbo, tiyak na hahaba pa ang laban, pero hindi na matatapos sa 12 rounds.

“I don’t see it (12 rounds) happening right now, but if it does I’m not worried,” ayon kay Roach. “I expect Manny to win every round. As long as we put up a good fight and keep the pace up, I’ll be satisfied.”
Maaaring ‘durable at tough” si Bradley, aniya, pero garantisadong magkakamali ito kapag na-excite.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply