Rocket attack vs South Korean media ibinabala

UULAN ng rocket!

Ito ang banta ng North Korean military sa mga tanggapan ng South Korean media sa kabisera na Seoul.

Ito’y dahil sa nasagap nilang balita na kritikal na ang coverage ng South Korean media sa pagtitipon ng halos 20,000 kabataan sa Pyongyang para sa ika-66 anibersaryo ng Korean Children’s Union.

Sinasabing kabilang sa tatamaan sa “open ultimatum” ng North Korean military general staff ang coordinates ng media offices sa Seoul na ngayon ay tinatarget na umano ng kanilang missile units.

Una rito, pinagsosori ng North Korea si South Korean President Lee Myung-Bak sa pagpapalabas ng negatibong media coverage para hindi nila ituloy ang rocket attack.

Inalmahan naman ng South Korean unification ministry ang banta ng Pyongyang at nanindigang seryoso silang pinag-aaralan ang banta ng NoKor sa kanilang media institutions.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply