Rollback ng pasahe hiniling ng ALAM

NANAWAGAN kahapon si Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry S. Yap sa Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) na bawasan ng piso ang kasalukuyang minimum fare dahil sa sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng langis sa merkado.

Ani Yap, dapat lamang na bumalik sa P7 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P8 dahil pababa ng pababa ang presyo ng gasolina.

Matatandaang anim na ulit nang nagbaba ng presyo ng produktong petrolyo noong isang buwan ang ilang kumpanya ng langis.

Muli na naman silang nagbaba ng presyo ngayong araw na ito, alas-12:01 mn, Sabado ng madaling araw.

Nagtapyas-presyo ang Shell, Unioil at Flying V ng P1.50 kada litro ng diesel, unleaded at premium gasoline, habang P2 naman sa regular gasoline at kerosene.

Nagpatupad rin ng rollback ng FilOil na magsisimula dakong alas-9:00 Sabado ng umaga.

Ani Yap, kung patuloy ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa international market, dapat lamang na maramdaman din ito ng mga mananakay at hindi ng mga driver at operator lamang ng mga pampublikong sasakyan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply