Rollback sa pasahe ‘di tututulan ng PISTON

HINDI umano kokontrahin ng grupong PISTON ang plano ng mga grupo ng pasahero na maghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  para sa pagkakaroon ng rollback sa pamasahe a mga pampublikong jeepney.

Ayon kay Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) President George San Mateo, karapatan ng sinoman ang umapila sa LTFRB bastat idaan lamang sa public hearing ang hakbang ng ahensiya.

Tulad ng Piston, hindi rin tumututol ang grupo ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o Ltop sa kahilingan na ibaba ang pamasahe sa jeep lalo na’t bumaba na sa 37 pesos kada litro ang presyo ng diesel.

Nauna ng ihihirit umano  ng grupong  National Council for Commuters Protection sa LTFRB na gawing seven pesos ang kasalukuyang walong pisong pamasahe.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply