Rollback sa presyo ng LPG muling ipinatupad

MULING nagbawas ng presyo sa bawat tangke ng kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG) ang LPG Marketers Association (LPGMA) ngayong araw.

Piso (P1.00) sa bawat kilo o kabuuang P11.00 sa bawat 11 kilogram na tangke ang kanilang ibinawas.

Mula sa kasalukuyang P595.00 ay bababa na ito sa P584.00 bawat tangke.

Binigyang linaw naman ni LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty na dapat sa susunod na buwan pa sila magpapatupad ng rollback ngunit inagahan na nila ito dahil malaki na ang ibinagsak ng presyo ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Dagdag pa niya, maaaring bumaba pa ang presyo ng cooking gas sa susunod na linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply