Rollback sa singil sa pasahe iginiit ng commuter group

MARIING iginiit ng commuter group na dapat muling magpatupad ng rollback sa pamasahe ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ginawa ang panawagan ng Public Commuter and Motorists Alliance (PCMA) matapos ianunsuyo ng mga oil company ang panibagong bigtime rollback sa diesel at gasoline, bunsod sa patuloy na pagbaksak ng presyo nito sa world market.

Ayon sa mga oil company, simula bukas ng umaga 12:01 ng June 9,2012 (Sabado) mag rollback ang Shell ng P1.50 kada litro sa diesel at premium gasoline P2 sa regular gasoloine at kerosene.

Gayun din ang Flying V, mag rollback ito ng P1.50 sa diesel at unleaded gasoline P2.00 sa regular gasoline at kerosene.

Ayon kay Isabel Nabong, spokesperson ng PCMA, sa kanilang monitoring ito na ang pang sampung rollback sa presyo ng petroleum products kung saan umabot na sa P8.05 ang nabawas sa presyo ng diesel at P7.00 naman sa premium gasoline.

Kaugnay nito, sinabi ng grupo ng taxi operators na hindi sila sangayon sa hirit na i-rollback ang flagdown sa P30 ang kasalukuyang P40 flagdown rate ng taxi.

Ayon kay PNTOA president at Quezon City councilor Atty. Jesus Suntay ang basehan ang hirit na rollback sa flagrate ng taxi.

Sinabi nito na magsasampa sila ng petition of opposition sakaling magsagawa ng public consultation ang LTFRB sa petition na isinampa ng National Council Commuter for Protection (NCCP).

Paliwanag ni Suntay nasa P21.50 pa lamang ang presyo ng auto LPG at P38.50 ang presyo ng kada litro ng unleaded gasoline noong bago itaas sa P40 ang flagdown rate ng taxi.

Sa ngayon ay nasa P27.50 pa ang auto-LPG at P57 pa ang presyo ng unleaded gasoline.

Ayon kay Suntay malulugi ng P350 kada araw ang mga taxi operators sa bawat unit kung ibaba sa P30 ang flagdown rate sa taxi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply