Rotational brownout hanggang mamayang 8:00 ng gabi

MAKARARANAS nang tigalawa o tigatlong oras ng rotational brownout sa iba’t ibang parte ng bansa hanggang alas-otso mamayang gabi ayon sa Meralco, sa ulat sa telebisyon.

Ito ay makaraang magkaproblema ang San Lorenzo Powerplant at Sta. Rita Inihan Powerplant sa Batangas City, ang mga plantang nagsusuplay ng kuryente sa Meralco.

Nabatid na mayroong kakulangan na 300 megawatts ng kuryente kung kaya’t kinailangang magpatupad ng rotational brownout ng Meralco.

Hindi naman dapat mangamba ang mga fans ni Pinoy Champ Manny Pacquiao dahil inaasahan na walang rotational brownout bukas (Hunyo 10, petsa sa Pinas) kung kailan nakatakda ang laban nito kay Timothy Bradley sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply