Bradley wagi via split decision

NAAGAW ni undefeated American boxer Timothy Bradley ang WBO welterweight crown ni 8-division world champion Manny Pacquiao via split decision sa laban nila sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Kahit na makailang ulit na nasapul ng mga power punches ni Pacquiao ang undefeated na boksingero ay nanatiling matatag ito.

Dalawang hurado ang nagbigay ng 115-113 na score sa tinaguriang “The Desert Storm” para tuluyang hablutin ang nasabing titulo sa Pinoy pride.

Matatandaan na bago magsimula ang laban, ay nagyabang pa si Bradley at sinabing bubulagain niya ang mundo at tatalunin ang Pambansang Kamao.

Una na ring sinabi ni Bradley na mananalo siya sa naturang laban at nagpagawa pa ng poster at ticket para sa rematch nila ni Manny sa Nobyembre 2012.

Sports naman si Pacquiao na agad na binati ang bagong kampeon.

Hindi naman aatras ang Pambansang Kamao sa posibleng rematch nila ng American fighter sa pagsasabing welcome sa kanya ang nasabing ideya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply