Ruffa ginawang boldstar at binastos ng sariling show sa TV5

POSIBLENG matigbak sa ere ang Chakarazzi, ay! Paparazzi pala, nila Manang Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, Mariel Rodriguez at Zoren Legaspi dahil sa kabastusang ginawa ng mga writer ng show sa isa pa nilang host na si Ruffa Gutierrez. Imagine, sa segment ng show na Bulong ng Palad kung saan ibinubulong ng host sa kapwa niya host ang kanyang tanong, aba’y ang bastos raw ng ibinulong kay Ruffa tungkol sa kung sino ang malaki ang notes at magaling sa kama sa mga naging ex niya?

Siyempre aware naman ang lahat na naging boyfriend noon ni Ruffa si Zoren. Da height ng ka-cheapan ang ginawa sa kanya ng staff kaya sobrang na-offend talaga ang teevee host/actress sa ginawa sa kanya na parang boldstar. Another thing, hindi man lang inisip ng mga ito na kinabukasan ay birthday ng kanilang host.

Hayan, sa kanyang mga tweets tinawag tuloy ni Ruffa na basura at walang kuwenta ang kanilang show. So bagay at akma nga talaga, my BFFT Pete A., ang tawag natin na Chakarazzi sa naturang programa. At sa pagkakataong ito ay ipinagtanggol din ng dating Miss World 2nd Princess ang dati niyang showbiz talk show sa ABS-CBN 2 na The Buzz at narito ang kanyang tweets, “Binastos ako ng Paparazzi on my birthday. I’m so sorry but THE BUZZ would never do this to me. EVER! From this day on, I will no longer be a part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.

Ang dapat nating abangan ngayon amigang Pete ay kung kaya bang tirahin ngayon ni Manang Cristy si Ruffa. Buking na buking na natin noon pa ang style ng osla at orocanang TV host kung saan hindi niya carry, ipalalait niya ito sa kanyang mga kasanggang reporter.

Tama ba kami, Reggee B.? Just asking!

***

Kelly Clarkson bilib sa talent ni Jason Farol

NAMANA ni Jason Farol ang kanyang singing talent sa recording artist aunt na si Claire dela Fuente.

Isa si Jason at ang International Diva na si Kelly Clarkson sa pinakamagagaling na pair ngayon sa Reality Show na Duets that gets aired over ABC Channel sa Amerika at napanonood worldwide.

Sa una nilang performance, buong ningning na sinabi ni Kelly na hanga siya sa angking talent ni Jason at pang world-class raw ang performance ng pamangking ito ni Ms. Claire. Papano kasi kahit na international artist (kelly) na ang ka-duet ng Pinoy singer ay kayang-kaya niyang makipagsabayan. At isa sa kanyang performance ang aming napanood sa YouTube kung saan talagang hahangaan mo siya hindi lang sa taas ng timbre ng kanyang boses kundi sa husay ng kanyang performance. Kaya manalo man o matalo sa Duets ay may naghihintay ng malaking future sa showbiz career ni Jason Farol.

At ayon pa mismo kay Ms. Claire may mga natatanggap ng offers ang agengy na nagha-handle sa career ng gwapo niyang nephew kaya’t very proud siya rito. Kung hindi nga lang daw siya busy sa kanyang mga business ay gusto niyang personal na mapanood si Jason sa Duets. At any rate, kahit na wala siya sa tabi nito ay all-out ang ibinibigay niyang suporta para sa minamahal na kamag-anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply