Rural farms school, itatayo ni Lapid

NAIS ni Sen. Manuel “Lito” Lapid na magtayo ng rural farm school sa lahat ng lalawigan upang tugunan ang pangangailangan ng kabataan sa kanayunan, komunidad ng agrikultura o pangisdaan sa buong bansa.

Ayon kay Lapid, layunin ng Senate Bill 3220 na magtayo ng rural farm schools bilang alternatibong pamamaraan ng secondary education na magbibigay sa kabataan ng pag-aaral nang may kaunting gastusin at armasan sila ng kakayahan na magagamit sa kanilang kapaligiran at mahimok sila na lumahok sa agrikultura.

Iginiit pa ni Lapid na pangunahing karapatang pantao ang karapatan sa edujkasyon na nagbibigay ng libre at compulsory primary education sa lahat kabilang ang reponsibilidad na mapaunlad ang pantay na pagpasok sa mas mataas na edukasyon.

“This is how the Interactional Covenant on Economic, Social and Cultural Rights defines the universal entitlement to education, but unfortunately for most of our people, education is a privilege enjoyed by the upper echelon of our society,” paliwanag ng senador.

Ipinaliwanag ng senador na isang parallel learning system ang rural farm school at alternatibong pamamaraan ng paghahatid ng edukasyon sa sekondarya na magbibigay ng facilitative at experimental learning sa core subjects ng secondary education curriculum na nakapokus sa agrikultura o pangisdaan at nakadesinyo na tugunan ang pangangailangan ng kabataan sa kanayunan.

“This proposed Act will promote the establishment of a complete, adequate, and integrated system of education that will respond to the needs of our society and encourage non-formal, informal, and indigenous learning system,” giit pa niya..

Walang sisingilin na matrikular at iba pang bayarin sa paaralan maliban na lamang sa bayarin na papayagan ng Department of Education. Magtatakda naman ng minimal tuition at iba pang bayari ang pribadong paaralan na aprubado ng DepEd.

Bibigyan naman ng prayoridad ang kaanak ng CARP beneficiaries at libre ang kanilang pag-aaral. Inaatasan din ang DepEd na magtakda ng pinakamataas na pamantayan sa quality assurance sa rural farm school.

“These standards shall involve prescribing guidelines and policies on the operation and management of rural farm schools as well as basic curricular content to ensure the credibility and academic integrity of rural farm schools.”

Inaatasan din ang DepEd, Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA) at Technical Education and Skills Development Authority (TESOA) kabilang ang Agricultural Training Institute (ATI) na magbigay ng patuloy na pagsasanay teknikal at probisyon sa extension material kabilang pero hindi limitado sa libro, student workbook, teaching session guides at iba pang materyales o kagamitan sa bawat subject at iba pang extension services sa magtuturo sa rural farm shools.

Lahat ng nagtapos sa elementarya ay maaaring mag-aral sa rural farm school, kahit anong edad at bibigyan ng prayoroidad ang kaanak ng benepisaryo ng CARP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply