Saan at paano nagsimula ang Father’s Day?

NOONG 1900, sa Spokane, Washington si Sonora Smart Dodd ay nakikinig sa isang Mother’s Day sermon sa Central Methodist Episcopal Church.

Na-inspire si Sonora sa nasabing lecture. Dahil dito, nagka-ideya siyang magkaroon din ng special day para sa kanyag ama na si William Jackson Smart. Ang kanyang ama kasi ang mag-isang nagtaguyod sa kanila mula nang pumanaw ang kanyang ina.

Laging naalala ni Sonora ang mga nagawa ng kanyang ama para sa kanya, ang mga pagsasakripisyo nito at katapangan na mag-isang buhayin sila.

Nais niyang maipadama dito kung gaano siya nagpapasalamat at kung gaano niya ito kamahal.

Noong Hunyo 19, 1910, nakaisip si Sonora na magbigay ng tribute sa kanyang ama. Ang araw na ito ay siyang kapanganakan ng dinadakilang ama ni Sonora.

Dito na nabuo ang ideya ng paggugunita sa Father’s Day. Gayunman, umani ng batikos ang ideya na ito noon.

Unti-unti din itong nakilala ngunit kadalasan ay for the wrong reasons gaya ng jokes, satire, parody at derision.

Opisyal na na-introduce ang Father’s Day noong 1913 sa anyo ng isang bill na inihain sa Kongreso ng United States para isulong ang pagiging opisyal ng paggunita dito.

Naaprubahan ito ni US President Woodrow Wilson noong 1916.

Umani ng momentum ang ideya noong 1924 nang suportahan ito ni President Calvin Coolidge.

Naitayo naman ang National Father’s Day Committee noong 1926 sa New York City. Subalit 30 years later pa ang nagdaan noong ang Joint Resolution ng Congress ang nagbigay ng recognition sa Father’s Day. At panibagong 16 years pa ang lumipas bago na-establish ni President Richard Nixon ang ikatlong Sunday ng June bilang permanenteng national observance ng Father’s Day.

Habang lumaon pa ay unti-unti na itong nakilala sa buong mundo para bigyan ng pagkilala ang mga dakilang ama gaya ng mga ina sa mga kontribusyong naiaambag nila para sa kanilang pamilya.

Take note, isa lamang ito sa teorya kung paano nagsimula ang “Father’s Day.”

Paano natin mapapasaya si Tatay kahit kapos sa badyet?

Kahit simpleng pakulo lang, tiyak na magugustuhan ni Itay. Mukhang mas nanaisin niyang magtipid kaysa gumastos kayo para sa kanya, lalo na ngayong medyo mahirap ang buhay dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin at iba pang mga pangangailangan.

Narito ang ilang halimbawa

1. Mas personalized kung gagawa ang mga anak at si Inay ng card. Gumamit lang ng colored paper at makukulay ding panulat. Dito isulat ang mga nais na sabihin sa kanya. Halimbawa ay pagpapasalamat at mensahe na nagsasabi kung gaano ninyo siya kamahal.

2. Ipagluto si Itay ng kanyang paboritong ulam o pagkain. Magluto lamang ng sakto at huwag nang garbuhan pa.

3. Linisin at pakintabin ang kanyang mga sapatos. Sa simpleng bagay na ito ay siguradong matutuwa na siya.

4. Pwede ring alukin ng mga anak na kulayan ang namumuti nang buhok ni Tatay. Mura lamang ito at madaling i-apply sa buhok. Basta sundin lamang ang procedure sa pakete.

5. Pwede ring i-offer na linisan siya ng kuko. Hindi ba’t tipid ito? Mahal kasi kung sa labas mo pa siya palilinisan ng kuko.

6. Bigyan siya ng masarap na masahe bago matulog.

7. Ito ang pinakamahalaga sa lahat: Sabihin sa kanya ang “I Love You,” “Thank You” at “Happy Father’s Day!”

8. Sa mga anak, sundin ang kanyang mga payo. Natutuw ang mga tatay sa tuwing ang mga anak ay sumusunod sa kanilang payo at bilin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply