Saan galing ang datung?: Aktor na papalaot sa politika nagpapagawa ng napakalaking bahay sa probinsya

NAGATATAKA ang mga kalugar ng aktor na papalaot sa politika dahil sa biglaang pagkamal nito ng salapi. Napakalaki raw kasi ng bahay na pinagagawa nito sa probinsya na tatakbuhan nito sa darating na eleksyon. Ang nasabing bahay ay maihahalintulad daw sa mga magagarang tirahan sa Ayala, Alabang.

Ilang sitsit ang natanggap namin kaugnay sa pinagmulan ng kadatungan ng aktor. Una, posibleng ito raw ay galing sa kinakasama nitong rich na girl. Pangalawa, galing sa politikong tumutulak sa kanya para kumandidato.

Alin kaya sa dalawa ang totoo?

***

Sexy actress na iniwan ng papang politician, sinalo ng dating karelasyon

NAPAKABAIT at tunay namang mapagmahal ang character actor na matagal ding nakarelasyon ni sexy actress.

Bagama’t nagtampisaw sa iba’t ibang kandungan ang girlitang ito at nitong huli nga ay naanakan pa ng isang politikong makapangyarihan sa parteng north ngunit iniwan dahil hindi naman talaga seryoso sa kanya si sir, pero heto pa rin ang aktor na bukas-palad na tinanggap ang malanding hitad.

Napanganga na nga lang daw ang mga kaibigan at kamag-anak ng aktor kung bakit sa kabila ng talipandas at salawahan ang sexy star ay nagawa pa rin nitong saluhin ito. At hindi lamang sya, huh! May dagdag pang bata!

Sus ginoo!

Well, ang sabi, pag itong dalawa raw kasi ang magkasama, okey ang kanilang teamwork, mas oks ang kanilang kabuhayan. Kumbaga, magkatugma ang kanilang mga palad. Curious lang kami sa business ng dalawang ito.

Ang tsismis kasi, namamakla raw si lalaki, at nanlalake naman si babae.

Giatay!

***

Ate Guy namaga ang mga mata sa kaiiyak sa pagkamatay ni Direk Mario

HALOS mamaga raw ang mga mata ni Nora Aunor sa kaiiyak sa pagpanaw ng beteranong direktor na si Mario O’Hara. Lalo na raw nang i-cremate ang bangkay ng magaling na direktor, talagang hindi na mapigilan ang paghagulgol ng aktres. Madalas daw dalawin ni Ate Guy si direk kahit nung may sakit pa lang ito at hanggang sa pumanaw.

Ang mga pelikulang pinagsamahan nila ay ang Tatlong Taong Walang Diyos (1976) at Condemned (1984). Ang huling proyektong ginawa nila ay ang teleseryeng  Sa Ngalan ng Ina sa TV5 last year.

***

Mark Herras at Kris Bernal nagmamahalan

SA HULING dalawang linggo ng Hiram na Puso, subaybayan kung mananaig ang pagmamahalan ng mga karakter nina Mark Herras at Kris Bernal sa high-rating afternoon drama ng GMA.

Ayon kay Mark, mas serious acting ang nagawa niya sa Hiram Na Puso. At masasabi niyang challenging pero memorable ang role niya sa drama series. “As an artist dapat handa at prepared ka lagi sa mga ibibigay sa iyong role.  Hindi ko makakalimutan ang role ko rito kasi nakatrabaho ko ang mga veteran actors tuald nila Gardo Versoza, Ayen Munji-Laurel at Gina Alajar,” saad ni Mark.

Samantala, alamin kung paano patutunayan ni Prince (Mark) ang kanyang pagmamahal kay Lira (Kris). Ano-ano ang kaya niyang gawin at isakripisyo alang-alang sa pagmamahal sa dalaga.  Subaybayan din ang mas mabibigat na eksena  at komprontasyon sa pagitan nina Lira, Vanessa (Bela Padilla), Roxanne (Ayen Munji-Laurel) at Zeny (Gina Alajar).

Huwag palagpasin ang nalalapit na pagtatapos ng Hiram na Puso, Lunes hangang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga, sa GMA Afternoon Prime.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply