Sabi ng sikat na astrologer: Mas sisikat si Jessica compared kay Phillip Phillips!

ALAM n’yo bang may isang dating aktibo at sikat na astrologer na Pinoy na alam na matatalo si Manny Pacquiao sa laban n’ya kay Timothy Bradley n’ung June 10?

May kakaiba siyang sistema ng astrology, at sa sistema n’yang yon ay may tinatawag siyang “7 life cycles” at ang bawat cycle  ay binubuo ng 52 araw (Walang paalam sa kanya ang pagsusulat namin tungkol sa 7 life cycle system n’ya kaya’t di namin pwedeng banggitin ang kanyang pangalan at kung kailan nagsisimula ang pitong life cycles ng bawat tao).

Ayon sa astrologer na yon, nasa 4th cycle si Manny nung lumaban siya kay Bradley. Para sa rest and physical recovery ang 4th cycle, dahil ang previous cycle ay ang napaka-dynamic cycle physically, emotionally, and socially. Kung nung third, first, o fifth cycle n’ya lumaban si Manny, halos tiyak na panalo siya. Sa buong international boxing career daw ni Manny, yung laban lang n’ya kay Bradley ang natapat sa 4th cycle n’ya (Ang iba pang cycles na hindi favorable para sa competition ay 6th and 7th, ayon sa kaibigan naming astrologer).

Actually, dahil nga physically weak ang mga tao na nasa 4th cycle, hindi ni-rule out ng kaibigan namin ang posibilidad na ma-knock out ni Bradley si Pacquiao. Needless to say, nasa physically strong cycle n’ya si Bradley (Actually, sinabi n’ya sa amin kung nasaang cycle si Bradley, pero hindi namin matandaan at nahihiya kaming i-text siya dahil hindi nga kami nagpaalam sa kanya na isusulat namin ang tungkol sa 7 life cycles n’ya).

Alam din nga pala n’yang kung ‘di mana-knock out si Pacquiao, si Bradley ang papaboran ng judges– na siya ngang nangyari!

Oo nga pala, dahil alam n’yang matatalo si Pacquiao, kay Bradley siya pumusta. Siyempre pa, nanalo siya. Almost a hundred thousand pesos ang napanalunan n’ya. Actually, hindi naman talaga siya mahilig sa pustahan. Ang nangyari lang ay may isang kaibigan siyang may kinalaman sa Pacquiao-Bradley betting na komunsulta sa kanya, at nung sabihin n’ya na batay sa life cycle ni Pacquiao ay mas mataas ang probability na matatalo ito, ayaw maniwala ng komukunsulta sa kanya na seryoso siya sa “prediction” n’ya. Para makumbinse ang kausap n’ya na seryoso siya, nag-offer siya na pumusta kay Bradley.

Alam din ng kaibigan namin na hindi mananalo si Jessica Sanchez sa American Idol. Kasi nga, nasa 6th cycle siya at nasa 5th cycle naman si Phillip Phillips. Pero ang feeling ng astrologer na yon ay mas sisikat globally ang Mexican-Pinay (na American ang citizenship, of course) kesa kay Phillip.

Alam na natin ngayon na kontrobersyal ang pagkatalo ni Pacquiao, na kinukuwestyon ang split decision ng judges. Ipaiimbestiga raw ni Bob Arum, promoter nina Pacquiao at Bradley, sa state of Nevada (kung nasaan ang Las Vegas), ang judges at ang klase ng scoring na ginawa nila.

Pero ewan lang kung ang ibig sabihin nu’n ay pwede pang ma-reverse ang decision nila.

Of course, karangalan at titulo lang naman ang nawala kay Pacquiao, hindi pera. Kahit natalo siya, kumita siya ng $26 million sa laban na yon, bukod pa sa milyones din na magiging share n’ya sa mga pay-per-view deal n’ya. $5 million lang ang fee ni Bradley, pero baka may share din siya sa pay- per-view. Maaaring maragdagan ang fee n’ya sa rematch–pero baka ganu’n din naman si Pacquiao. Hindi pa namin nako-compute kung nasa pang-ilang cycle si Pacquiao sa November. Pero huwag sanang nasa 6th o 7th cycle dahil hindi pangkompetisyon ang mga cycle na yon.

Samantala, ang 7 life cycles na binabanggit namin dito ay iba sa sumikat noon na biorythm. Iba rin ito sa ho-roscope. Wala itong kinalaman sa Zodiac signs. Pag nagkita kami uli ng kaibigan naming astrologer na yon, hihingi kami ng permiso na ibunyag kung paano kino-compute ang 7 life cycles n’ya, at kung anu-ano ang favorable na gawin sa bawat cycle.

Dating resident astrologer ng isang napakatanyag na late-night show ang kaibigan naming ito. May iba na siyang pinagkakaabalahan at sa malalapit na kaibigan lang n’ya siya nagbibigay ng astrological consultation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply