Safety standards sa marathon, fun run iimbestigahan

NAGHAIN ng isang panukalang resolusyon si Sen. Manuel “Lito” Lapid upang paimbestigahan ang ginagamit na safety standards at pagkilos na ipinatutupad sa lahat ng fun runs, marathon, triathlon, at katulad na multi-distance sporting events.

Sa Senate Resolution No. 794 na inihain kamakailan, sinabi ni Lapid na lumago ang sport na takbuhan sa ating bansa sa nakalipas na taon kaya kabi-kabila ang fun run, marathon at triathlon.

“Participants in running and multi-distance events often complain of lack of adequate water stations which should be a vital concern in such events as runners should be well hydrated especially in a very humid climate like ours,” dagdag ng senador sa resolusyon.

Ilan pa sa reklamo, ani Lapid, ay kabilang ang kawalan ng portable toilets, kawalan ng marshals na magbibigay direksiyon sa mga runners, tumpak na route markers, at kawalan ng paramedics o medical staff na naka-stand-by.

“In some cases runners dart the course along with raging vehicles which lead them to think if organizers have secured the necessary permits or if they have coordinated the event with the proper authorities,” paliwanag ni Lapid.

Aniya, kahit nagsisilbing platform ang takbuhan at multi-distance sporting events upang maakit ang interes ng mamamayan sa sports, makatuwiran lamang na matiyak ang kaligtasan at kagalingan ng ating mananakbo at sport enthusiasts.

“There is a need to review the policies and standards being implemented by entities concerned in the organization of running and multi-distance sporting events with the end in view of ensuring a safe and healthy experience for our runners and sports enthusiasts,” patapos ni Lapid. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply