Saging ng Pinas, makararating na sa Amerika

SA unang pagkakataon makapapasok na sa Estados Unidos ang produktong saging buhat ng Pilipinas.

Batay sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) ang native product ay makapapasok sa US matapos magpakita ng interes ang malaking kumpanya ng mga prutas sa pag-eexport ng mga saging partikular buhatsa Mindanao.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, wala naman silang natatanggap na pagtutol mula sa mga American fruit manufacturers kaya malaya itong makapapasok sa Amerika.

Pagtitiyak pa ng kalihim, makaaasa ang Amerika ng magagandang kalidad ng mga saging na ipapasok sa kanilang bansa na tiyak na magugustuhan ng mga Amerikano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply