Sagot ng gobyerno vs meat importation

DAHIL sa ‘di maputol-putol na isyu ng meat importation, ang Malakanyang ay tumugon para maproteksyunan daw ang interes ng  local hog at poultry industry.

Ang pagpapalabas ng P190 milyon ng Palasyo ay patunay na ‘di manhid ang gobyerno sa problema ng mga magbababoy at magma-manok.

At ang aksyon na ito ni Pangulong Noynoy Aquino ay siguradong magbi-bigay ng panibagong pag-asa sa poultry at hog raiser.

Ang nasabing halaga ay gagamitin sa pagpapagawa ng tinatawag na ‘Triple A’ slaughter house sa lalawigan ng Batangas at Bulacan.

May karagdagan pang P10M na ipinalabas din ang Aquino adminis-tra-tion para naman sa pagpa-pagawa ng high-tech dressing plant sa Tarlac.

Ang mga proyektong ito ng pamahalaan ay magiging sagot daw sa ‘di masawa-sawatang meat importation na balakid sa paglago ng hog at poultry industry.

Kapag may pasilidad na katulad ng ‘Triple A’ slaughter house at high-tech na dressing plant, siguradong lalago ang industriya ng baboy at manok.

At ang meat importation ay bababa dahil nga may ‘Triple A’ at high-tech na dressing plant na ang Pilipinas, ayon sa mga taga-Malakanyang.

Ang nasabing house ay lalagyan ng upgraded technology na cutting floors at cold storage, ayon kay DA Secretary Proseso Alcala.

Sinabi ng butihing kalihim na ang kawalan ng ganitong katayan ang ginagawang dahilan ng ilang negosyante na mag-importa ng mga produktong karne mula sa ibang bansa.

Kasabay ng planong pagtatayo ng ‘Triple A’ slaughter house at high-tech dressing plant ay ipinag-utos ng Pangulo na pigilan ang pagbaha ng imported meat sa bansa, ayon pa kay Sec. Alcala.

Ang utos at aksyon na ito ni PNoy, ayon pa kay Alcala ay patunay na seryoso ang gobyerno na lutasin ang problema ng meat importation.

Tanging mga legiti-mate importer na lamang ang may karapatang mag-importa ng dayuhang karne kung kaya ang DA, sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs (BOC) ay nagsisimula nang “purgahin” ang listahan ng importers para masala ang mga gumagawa ng iligal.

Kung magtutuloy-tuloy ang suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpopondo at mahigpit na kampanya laban sa sinasabing pork smuggling, heto na ang masasayang araw para sa swine at poultry industry sa bansa.

Kaya tama lang na lalo pang paigtingin ng pamahalaan ang kampanya laban sa paninigarilyo.

Sa huli kasi, ‘di lang naman ang perang kikitain sa mataas na buwis ang mahalaga kundi mas importante ang mga buhay na maililigtas mula sa nakamamatay na bisyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply