Saklaan na untouchable sa Las Piñas, buwagin n’yo

MALAKAS sa dilang malakas ang saklaang wala namang patay nitong isang alyas Jun Lontoc ng Las Piñas City.

Bilib naman ako rito kay Jun Lontoc, ubod siya ng lakas sa alkalde ng Las Piñas.

Sa kabila nang iligal na sugalan ang saklaan nito sa nasabing siyudad ay hindi siya ginagalaw ng kapulisan dahil sa napakalakas daw niya kay Las Piñas Mayor Nene Aguilar.

Ultimo mo mga kabataan sa nasabing lugar ay nagugumon na sa pagsasakla dahil walang kinawiwilihan na bisyo ang mga ito kundi ang tumaya sa saklaan ni  Lontoc.

Ang pinakamasaklap pa nito, para magpatuloy ang operasyon ng saklaan ni Lontoc ay gumagamit siya ng mga bangkay ng tao bilang front ng kanyang iligal na pasugalan na saklaan.

Bumibili ng mga unclaimed cadaver o bangkay ng mga tao sa mga morgue ang grupo ni Lontoc para paglamayan at saka paglagyan nila ng kanilang saklaan.

Ang masakit nito, halos inaabot na ng ilang linggo ang mga bangkay ng tao na nabili nila bago ito ipalibing ng nasabing grupo ni Lontoc.

Walang kaluluwa ang grupong ito ni Jun Lontoc, pati yung mga bangkay ng tao ay kanilang ninenegosyo muna bago nila ipalibing ang mga ito.

Mayor Nene Aguilar, ano ba ito?

DPS ng Manila ‘di kayo sasantuhin

Babala sa lahat ng mga Manilenyo na mahilig na magkalat at umihi sa mga pribadong lugar.

Naku po, kapag pinagpatuloy ninyo ang ginagawa sod Maynila tiyak ay hindi kayo sasantuhin ng mga taga-Department of Public Services ng Manila City Hall sa pamumuno ng kanilang hepe na si Ret. Col. Caloy Baltazar.

Masisipag na manghuli ang mga bata ni Tata Caloy sa pamumuno ni Sam.

O paano, kernel?

oOo

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog  @yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply