Saklap naman: Host mismo ang nagsabing basura ang Paparazzi!

DUMIPENSA ngayon ang Paparazzi hosts sampu ng kanilang mga kabig na manunulat. Wala raw nangyaring bastusan. Nag-inarte lang daw si Ruffa Gutierrez dahil gusto lang nitong bumalik sa The Buzz.

Ipagpalagay nating ganun ang naging drama ni Ruffa, pero hindi maitatanggi ang katotohanang ang host mismo ng programa ang nagsabing basura ito. Saklap!

Nag-inarte nga siguro si Ruffa, eh, yun ang paraan n’ya para maipakita ang pagkadisgusto nito sa sariling show nila. At hindi siguro siya kuntento at masaya sa pamamalagi niya rito kaya gumawa siya ng paraan para maka-exit dito.

Kaya bago kayo maglinis-linisan, tingnan muna ninyo ang mga dungis sa inyong mukha. Hindi naman magkakaganyan ang anak ni Bisaya kung matitino kayo. Simple lang ang dahilan n’ya pinalalabo n’yo pa.

Teka nga muna, kung basura ang Paparazzi, saan ba natin ito ilalagay, sa nabubulok ba o sa di nabubulok? Whatever! Basura pa rin ‘yun. Doon nga kayo magprograma sa Smokey Mountain. Hahaha!

***

Bagay na bagay ang pagka-class ni Ruffa sa The Buzz

SINO naman kayang pontio pilato sa The Buzz ang nagsabing hindi welcome doon si Ruffa? Kung yung mismong mga executives ay walang sinasabi laban sa una, ito pa bang mga raso lang ang magtataray sa kanya? Baka yung aso sa gilid-gilid ang na-interview nila? Hehehe!

Kahit saang anggulo sipatin, bagay na bagay ang pagka-class ni Ruffa sa The Buzz. Bagay na gustong maipreserba ng programa para hindi magmukhang palengke ang show na nila. Kaya nga iniiwasan nilang mahaluan ng lasengga, tumutula at bading na cheap ang show nila. Intiendes?

Anyway, sinagot ng magandang host sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ang mga sinabi ni Mr. Fu sa isang maikling talata lamang: “I am not one to hold grudges but may this never happen to anyone ever again. I僧 sure we鼠l be seeing each other soon and we鼠l be working together again. Till then. More blessings!”

Ayan ang sinabi n’ya, maikli lang para hindi siya magmukhang cheap!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply