Salamin ni Martirizar pinag-initan ni Abalos

MAGING ang suot na salamin sa mata ng testigong si dating North Cotabato Election Supervisor Atty. Yogie Martirizar ay napag-initan makaraang kuwestiyunin ito ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos sa isinagawang pagdinig kanina sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Iginiit ni Abalos kay Judge Jesus Mupas ng Pasay RTC Branch 112 na kailangang tanggalin ni Martirizar ang kanyang suot na salamin upang masuri nila ng direkta sa mga mata nito kung nagsisinungaling o nagsasabi siya ng totoo.

Umapela naman si Atty. Nena Santos, abogado ni Martirizar, na hindi maaaring puwersahin na tanggalin ng kanyang kliyente ang suot na salamin dahil may grado ito na tugma sa sukat ng kanyang mata.

Ayon naman kay Abalos, na isa ring dating hukom na malinaw ang nakasaad sa panuntunang ipinaiiral ng hukuman na hindi kinakailangang magsuot ng salamin ang isang testigo maliban na lamang kung may kinakailangan siyang basahin o suriing dokumento na ipiprisinta sa kanya habang tumatayo bilang testigo.

Kinatigan naman ni Judge Mupas ang hirit ni Abalos at inutusan si Martirizar na alisin ang suot na salamin kung wala namang ipababasa o ipasusuri sa kanyang dokumento ang tagausig.

Nang humingi ng 10-minutong pansamantalang pagpapatigil sa pagdinig ang tagausig, ipinasuri ni Atty. Santos sa mga nakapaligid na miyembro ng media ang salamin ni Martirizar upang patunayan na may grado ito na tinugunan at isinuot pa ng isang tabloid news photographer.

Nang sabihin ng news photographer na para sa kanya ay walang grado ang salamin, uminit ang ulo ni Atty. Santos at inakusahan pa ang news photographer na bayaran.

Aminado si Atty. Santos na hindi maganda ang dating sa kanya ng sinabi ng news photographer gayung batid naman na isa siya sa mga tumutulong sa mga miyembro ng media partikular ang mga naging biktima ng Maguindanao massacre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply