Salvage victim napulot sa Smokey Mountain

TADTAD ng bala sa katawan ang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng “salvage” na natagpuan sa Smokey Mountain, Tondo, Maynila kaninang umaga.

Tinatayang nasa edad 30 – 35 anyos ang biktima, may taas na 5’4” katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng brown na T-shirt at asul na short at may mga tattoo sa katawan.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez,ng Manila Police District-Homicide Section dakong alas-4:20 ng umaga nang matagpuan ng isang Joel Ramos, isang pedicab driver ang bangkay sa R10 Smokey Mountain Vitas Tondo Maynila na nakabalot pa ng packing tape ang kamay.

Agad naman niyang ipinagbigay-alam ang insidente sa pulisya.

Hinala ng mga residente sa lugar na itinapon lamang sa Somkey Mountain ang biktima dahil hindi nila ito kilala.

Dinala na ang bangkay sa Cruz Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply