Sam Pinto number one pa rin sa FHM

LABIS na ikinatuwa ni Sam Pinto na balik number one siya sa FHM’s sexiest. Nalagay siya sa ibang puwesto, but as of last week, balik siya bilang numero uno.

Pumangalawa lang kay Sam si Angel Locsin, sa ikatlong puwesto naman si Solenn Heusaff at nasa ika-apat si Marian Rivera. So far, ‘di pa tapos ang bilangan at marami pang pagkakataon ang iba para makuha kay Sam ang unang puwesto.

Kung si Sam lang ang tatanungin, mas gusto na n’yang mawala sa number one. Kasi nga, intriga lang ang dulot nito sa kanyang buhay. Last year nga naman, ‘di siya tinantanan dahil siya ang nag-number one. ‘Di ba may intrigang bumili lang daw siya ng boto?

This year nga, halos ‘di na kumakampanya ang kampo ni Sam, sa kapalaran na lang inaasa ang lahat. But still she is emerging to be number one. Isa lang naman ang ibig sabihin noon, that she truly deserves to be number one, kasi talaga namang sexy siya.

Did you know na ang vital statistics ni Sam ay perfect na 32-26-32? O ‘di ba, sexy siya talaga. ‘Yung iba riyan, ano ba’ng kanilang vital stats? ‘Di ba sobrang lalaki ng mga balakang nila?

‘Di ba Marian Rivera?

Kasama nga pala si Sam sa movie version ng Boy-Pick-Up under Regal films na pinangungunahan naturally ni Ogie Alcasid.

***

Doing a Robin Padilla???
Lahat ng babae gustong pakasalan ni Daniel Padilla!

TINAWANAN lang ni Kathryn Bernardo ang pahayag ng isa sa leading men nya sa “Princess and I” na si Daniel Padilla na handa siyang pakasalan nito.

Actually, marami ang naaliw sa naging pahayag na ito ni Daniel dahil very Robin Padilla na lahat na lang ng babae ay gustong pakasalan.

Say ni Kathryn, sa Twitter n’ya nalaman na nag-dialogue nang ganito si Daniel sa isang interview at ang nasabi na lang n’ya ay, “Wow, ibang level na ’to!”

Aminado naman ang young actress na naa-appreciate n’ya ang mga ginagawang pag-aalaga sa kanya ni Daniel. Lagi raw nitong tinatanong sa set kung okay lang sya at tsine-check kung nagugutom siya.

“Very close friends!”, ang sagot ni Kathryn nang tanungin siya on a TV interview kung ano ang estado ng kanilang relasyon ni Daniel.

Very close friends raw, kasi alam nyang ina-admire siya and very caring sa kanya na alam naman daw n’yang hindi basta “friend” lang.

Para sa young actress, normal lang sa teenagers na tulad nila ang mga ganitong bagay kaya wala naman daw problema sa kanya as long as sincere ang guy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply