Sama ng panahon namataan sa Mindanao

NAMATAAN kaninang madaling araw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang sama ng panahon (shallow low pressure area) sa bahagi ng Mindanao at mahigpit na binabantayan ngayon.

Ayon sa PAGASA namataan ang naturang low pressure area dakong 2:00 ng madaling araw kanina sa layong 100 kilometro ng Katimugang Mindanao.

Sinabi pa ng PAGASA na ang naturang sama ng panahon ay makakaapekto at magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa Hanging Habagat.

Dahil dito, patuloy na makakaranas ng maulap na papawirin ang kanlurang bahagi ng Luzon, Visayas at ang kabuuan ng Mindanao na may kalat na pag-ulan.

Nabatid pa sa PAGASA na kapag naging ganap na bagyo ang naturang sama ng panahon ay tatawagin itong “Butchoy,” na ikalawang bagyo na maaaring pumasok sa teritoryo ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply