San Beda dedepensa na ng titulo sa NCAA

Laro bukas: San Juan Arena
12 nn. Arellano vs San Beda (jrs/srs)
4 p.m. San Sebastian vs Letran  (jrs)
6 p.m. JRU vs Mapua (jrs)

PAGDEPENSA ang parehong uumpisahan ngayon ng reigning titlist San Beda College para sa hawak na mga titulo sa juniors at seniors division sa pag-aksiyon ng 88th NCAA Basketball Tournament sa San Juan Arena.

Unang sasabak ang Red Cubs ng 12 ng tanghali laban sa Arellano University Baby Chiefs bago ang Red Lions ng alas-2:00 ng hapon sa nag-iisang seniors match kontra Arellano Chiefs.

Sa pagkakataong ito baligtad sa inaasahan ay hindi pinapaboran ang Red Lions vs Chiefs dahil lalaro sila na anim ang players makaraang masuspinde ang 9 sa players na nasa roster nila sa pangunguna ng Nigerian na si Olaide Adeogun.

Apat na laro sa katunayan ang suspensyon sa Nigerian na ngayon pa lang lalaro sa liga makaraang masangkot sa gulo noong 2011 at napatawan naman ng ban ang dating coach na si Frankie Lim at volleyball coach ng San Sebastian College na si Roger Gorayeb.

Ang iba pang pinatawan ng one-game suspension ay sina Rome de al Rosa, Jake Pascual, Kyle Pascual, Melo Lim, Ryussei Koga, Anjo Caram, Baser Amer at Dave Moralde.

Makapaglalaro lang ang anim na players na sina dating juniors standouts, Francis Abacar at Antonio Bonsubre, Arthur Dela Cruz, Ivan Ludovice, Christian Moralde at Richie Villaruz.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply