Santiago City nagdeklara ng dengue outbreak

NAGDEKLARA na rin ng dengue outbreak ang provincial health office ng Santiago City.

Kasunod ito ng  naitalang 4 na namatay dahil sa sakit na dengue mula sa buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa Department of Health (DOH) bagamat mas mababa ang bilang ng nagkakasakit ng dengue sa lugar  nngayong taon kumapara noong 2011 ay nababahala pa rin ang local na pamahalaan ng lalawigan ng Santiago na posible pa itong tumaas lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Bunsod nito, puspsusan na rin ang kampanya ng city health office ng lalawigan laban sa dengue .

Patuloy namang nananawagan ang Department of Health sa mga residente na makipagtulungan sa paglilinis sa kanilang kapaligiran upang maiwasan na magkaroon ng dengue outbreak sa kanilang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply