Sarili huwag alipustahin

NAGKAROON ng ilang pagbatikos sa pamahalaan, kasama ang Philippine Navy, matapos i-anunsyo ang pagbili ng pangalawang US Hamilton Class ship ng Navy. Ang barko raw ay wala nang silbi dahil pinaglumaan na ito ng US at tinanggalan pa ng mga esensyal na kagamitan.

Pwes, para sa kaalaman ng mga nakararami, ang mga barkong ito ay ginagamit pa ng US at na-decommission lamang sila upang i-turnover sa atin. Sa katunayan, nasa mataas pa na lebel ng kahandaan o operational level ang mga barkong ito bago na-turn-over sa atin.

Bukod pa rito, nilapatan ang barko ng ilang makabagong kagamitan. Totoo nga’t wala na ang higit na malalakas na armas, subalit sa taya ng ilang eksperto sa seguridad pandagat ay sapat na ito upang mapunuan ang operational requirements batay sa ating pangangailangang estratehiko.

Hindi natin hangad ang makipag-digmaan at lalong ‘di natin hangad na sakupin ang buong rehiyon.
Hangad lamang natin ang matahimik na pangangalaga at pagprotekta sa ating teritoryo.

At upang makamit ito ay kailangan lang ng katayuang maglunsad ng minimum credible deterrence o ang kakayahang hadlangan ang kaguluhan sa ating teritoryo sa pamamagitan ng katayuang pandepensa na may sapat na lakas at kredibilidad.

Sana naman ay lagi nating alalahanin na ang lahat ng mga kagamitan at barko ng Navy ay pag-aari ng buong sambayanan at ang Navy ay tanging mga drayber at mekaniko lamang. Kaya’t sa susunod na alipustahin ng ilang Pinoy ang Navy ay maalala sana nilang ang sarili ang inaalipusta nila.

—ooo—

Sa nakalipas na linggo ay maraming tagumpay ang inani ng Navy para sa bayan. Katatapos lang ng Exercise PAGSASAMA sa Davao sa pagitan ng mga aktibo at laang kawal bilang paghahanda sa mga sakuna o krisis na haharapin natin.

Nakasabat din ng PhP8 milyong halaga ng marijuana ang ating mga Marines sa Sulu dahilan upang higit na mapaigting ang laban di lamang sa kontra-terorismo kundi maging sa droga.

Nailigtas naman ng Navy sa Zamboanga ang may 184 na biktima ng human trafficking bilang resulta ng maigting na koordinasyon sa pagitan ng Navy at ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga non-government organization.

Kaya’t ituloy pa natin ang pagkakaisa tungo sa kapayapaan at kasaganaan sa ating karagatan. Kaya natin yan Pinoy!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply