Sasakyang pandagat ng Pinas, inalis sa Panatag Shoal

ANG Super Typhoon na si Butchoy ang dahilan kung bakit inalis ng gobyerno ng Pilipinas ang mga barkong pandagat nito na nasa Panatag Shoal.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, inalis ang mga barko ng Pilipinas sa Panatag Shoal dahil ayaw malagay ng pamahalaan sa delikadong situwasyon ang BFAR personnel at Coast Guard bunsod ng bagyong Butchoy at walang kinalaman ang gobyernong China rito.

“So there’s nothing else to that but the foremost consideration really was the safety of our Coast Guard personnel and our BFAR personnel,” ani Valte.

Sakali naman, aniya, at bumuti ang panahon sa bansa ay titimbangin ng gobyerno kung kailangang ibalik ang mga nasabing sasakyang pandagat sa Panatag Shoal.

“Once the weather improves there will be a reevaluation—that is all I can say at the moment. That as soon as the weather improves, there will be a reevaluation on what the deployment will be,” aniya pa rin.

Sa ulat, ganap ng isang Super Typhoon ang bagyong Butchoy, ayon sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng US Navy, habang patuloy na tinatahak ang North Philippine Sea.

Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot ng 240 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot ng 295 kph.

Patuloy na kumikilos ang bagyo sa pangkalahatang direksyon na hilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 24 kph.

Batay sa forecast track, hindi na inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo habang ito ay papalayo sa Philippine area of responsbility.

Ngayong  gabi ay tinatayang ito ay malapit na sa Okinawa, Japan.

Sa hiwalay na ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng typhoon Butchoy sa 490 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Casiguran, Auroa.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 185 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 220 kph.
Kumikilos ito ng pahilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 22 kph.

Inaasahang tatagal ito sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) hanggang sa araw ng bukas, Martes, Hunyo 19.

Wala namang signal warning sa alinmang bahagi ng ating bansa.

“Typhoon “Butchoy” is expected to enhance the Southwest Monsoon that will bring rains over Luzon and Visayas especially over the western section which may trigger flashfloods and landslides…Fishing boats and other small seacrafts are advised not to venture out into the seaboards of Luzon, Visayas and Eastern Mindanao due to the big waves generated by the combined effects of Typhoon “Butchoy” and the Southwest Monsoon.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply