Saudi Arabia una sa mga lumalabag sa kontrata ng mga DH – POEA

NANGUNGUNA ang Saudi Arabia sa limang bansa na lumalabag sa kontrata ng mga Filipino domestic helpers, ayon kay Philippine Overseas Workers Administration (POEA) chief Hans Cacdac.

Sa datos ng POEA na isinumite sa Senate foreign relations committee sa pamumuno ni Sen. Loren Legarda sa pagdinig ng ILO Convention 189 na tumutukoy sa kalagayan ng domestic helper, sinabi ni Cacdac na nakapagtala ang Saudi Arabai ng 633 kaso ng recruitment violations.

Sumunod sa Saudi Arabia ang  United Arab Emirates (UAE), 227 cases; Taiwan, 206 cases; not stated or not applicable, 178 cases; at Qatar, 164 mula 2011 hanggang unang yugto ng 2012 (January to March).

“In the case of Saudi Arabia, we are negotiating terms on bilateral labor agreements pertaining to domestic helpers. For UAE, Kuwait  and Qatar, we have established a standard contract which will be recognize by both countries in order to avoid contract substitution,” ayon kay cacdac.

Para naman sa Taiwan, sinabi ni Cacdac na nakipagnegosasyon na ang pamahalaan para sa termino ng kondisyon sa trabaho.

Dinidinig ng Senate foreign relations committee ang ILO Convention 189 on Decent Work for Domestic Workers na dapat pagtibayin ng Senado.

Iniulat pa ni Cacdac sa komite na nanguna din ang Saudi Arabia sa limang bansa na may disciplinary action cases by employer na nakapagtala ng 289 kaso sinundan ng UAE, 74 cases; Qatar, 62 cases; Kuwait, 47, at 23 para non-specified country.

“The number of cases filed before government agencies abroad by type and class, disciplinary actions against employer topped the list with 657 cases (550 in 2011, and 107 in 2012) followed by  disciplinary actions against workers with 1,526 cases (1,237 in 2011 and 289 in 2012); and agency with 4,520 (3,700 in 2011, and 820 in 2012) recruitment violations,” ayon pa kay Cacdac.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply