SC kinalampag muli ng Hacienda farmers

KINALAMPAG muli ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang Korte Suprema kaugnay sa  desisyon nitong ipamahagi na ang mga lupa ng Hacienda Luisita.

Sinabi ni Willy Marbella, Deputy Secretary General ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas..

Na nangangamba silang baliktarin ng SC ang nauna nitong desisyon.

Kinakailangan na anilang ipag-utos ng SC na final and executory ang naging desisyon nito.

Umapela ang mga magsasaka sa SC na ‘di dapat makontrol ng administrasyon ang ilang kaso na nakabinbin sa SC.

Gaya na lang ng multi-billion coconut levy fund case na kinasasangkutan ng tiyuhin ni Pangulong Noynoy Aquino na si Eduardo Dangding Cojuangco Jr., ang kaso ng Araneta lands sa Brgy. Mascap sa Rodriguez na pag-aari naman umano ng running-mate ni PNoy na si Secretary Mar Roxas at ang kaso sa Nasugbu Batangas, Hacienda Looc, na kaugnay kay Henry Sy, isa sa top financiers ng Pangulo noong 2010 presidential elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply