SC naglabas ng writ of kalikasan vs minig sa Zambales

NAGPALABAS na ng writ of kalikasan ang Korte Suprema laban sa mining operation sa Zambales.

Ito ay matapos na katigan ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng Agham Partylist laban sa operasyon ng isang mining firm sa Sta. Cruz Zambales.

Sa dalawang-pahinang notice ng SC en banc, hindi naman ito nagpalabas ng temporary environmental protection order at sa halip ay ipinasa nito ang pagdinig ng kaso sa Court of Appeals.

Ang CA na ang siyang tatangggap ng mga ebidensya, komento ng magkabilang panig, magtatakda ng pagdinig at maglalabas ng desisyon.

Sa kanilang petisyon, una nang iginiit ng Agham na hindi ikinunsulta sa mga residente na magkakaroon ng mining operation sa kanilang lugar.

Binigyang diin din ng mga ito ang panganib na hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa buhay ng mga residente ang maaaring idulot ng minahan tulad ng pagkakaroon ng matinding pagbaha at pagkasira ng kabuhayan doon.

Kabilang naman sa mga respondent sa  kaso ay ang LNL Archipelago minerals inc, DENR Sec. Ramon Jesus Paje, Philippine Ports Authority Gen. Manager Juan Sta Ana at Zambales Plice Provl. Office Supt. Francisco Santiago.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply