SC napikon sa apela ng Malakanyang

MISTULANG napikon ang Supreme Court sa pahayag ng Malakanyang na umaapela sa SC na pabilisin ang pagresolba sa kaso kaugnay sa Maguindanao Massacre upang mabigyan na ng hustisya ang 57 biktima.

Sinabi ni Acting SC Spokesperson Atty Gleo Guerra hindi lamang sa Korte Suprema nakasalalay ang responsibilidad, para mapabilis ang pag resolba sa naturang kaso.

Iginiit ni Guerra na maraming ginawang paraan ang SC upang agad madesisyunan ang Maguindanao case gaya na lamang ng kautusan na magsagawa ng dalawang beses na pagdinig bawat linggo, bukod pa sa naunang kautusan ng korte suprema kay QC RTC Judge Jocelyn Solis, na huwag ng hawakan ang ibang kasong nasa kanyang sala upang matutukan ng husto ang kaso ng Maguindanao massacre.

Ayon kay Guerra, makakatulong daw  na mapadali ang pagresolba sa kaso kung matitiyak na handa ang magkabilang partido na magprisinta ng kanilang mga testigo.

Batay sa ulat, anim na ang napapatay na posibleng testigo sa kaso ng Maguindanao masaker.

Nauna rito, sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na hinihiling nila sa SC na humanap ng paraan para mapabilis ang pagresolba sa kaso dahil sa maraming testigo na ang napapatay.

Ayon kay Lacierda ” we’re asking the Supreme Court right now under acting Chief Justice Tony Carpio if they can find a way to hasten the case, the Ampatuan massacre case without sacrificing due process. It’s something that we’ve been saying in this podium; it’s something that we’ve been advocating. Let’s have a speedy trial in the Ampatuan massacre case because that is a block in our Philippine judicial system. Pero wala na ho sa kamay namin po itong kasong ito eh nasa courts na po and it’s the judge who can facilitate and expedite without sacrificing due process. That’s why we’ve been saying time and time again nais po naming matapos na po itong kaso, bilisan po ang pace po ng kasong ito. That’s why we are asking the Supreme Court, can you find the way to expedite, can you redirect the handling judge to make certain that this case moves at the faster pace rather than the pace where it is right now and to ensure… And to make sure that while the pace of this case can go faster, we can ensure also the safety of those witnesses.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply