P1.8-B PCOS deal oks sa SC

KINATIGAN ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na bilhin na ang 80,000 precinct count optical scan (PCOS) machines ng Smartmatic para sa 2013 elections.

Ito ay matapos na ibasura ng Korte Suprema sa botong 11-3 ang mga petisyon na kumukwestyon sa P1.8-billion contract ng Comelec at Smartmatic, sa isinagawang special en banc session.

Kabilang sa mga nag-dissent o hindi pumabor sa desisyon ay sina justices Estella Bernabe, Arturo Brion at Martin Villarama.

Si justice Diosdado Peralta ang ponente sa desisyon.

Sinabi ng korte na walang paglabag na nagawa ang Comelec dahil continuation lamang ito sa kontrata ng Smartmatic at Comelec noong panahon pa ni dating Chairman Jose Melo.

Ito ay dahil sa existing pa ang option to purchase sa kontrata ng Comelec at Smartmatic ng magdesisyon itong bilhin ang mga nasabing makina.

Kaugnay nito, inalis na ng Korte Suprema ang temporary restraining order TRO na una nang inilabas noon laban sa implementasyon ng nasabing kontrata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply