School owners binalaan ng BI vs foreign students

BINALAAN kahapon ng Bureau of Immigration ang mga may-ari ng mga paaralan na sasampahan ng kaso sa pagkuha ng mga dayuhang mag-aaral nang walang kakukulang permiso mula sa tanggapan.

Sa ilalim ng Executive Order 285, paparusahan ng 10 taong pagkakakulong at multa na P5,000 ang naghihintay sa may-ari ng paaralan na walang permiso mula sa kawanihan na tumanggap ng dayuhang estudyante.

“Habang tatanggalan naman ng karapatan ang isang eskuwelahan kung mapatunayan na tumanggap ito ng dayuhan na walang student visa o kaya ay special study permit,” ayon pa kay Atorni Cris Villalobos, hepe ng BI-Student Desk section.

Sinabi pa ni Villalobos na umaabot sa 1,300 eskuwelahan at learning institutions sa buong bansa ang binigyan ng karapatan ng kawanihan upang kumuha ng mga dayuhang mag-aaral at may 40,000 ang dayuhang mag-aaral na nakarehistro sa immigration kung saan 28,000 rito ang may hawak na SSP.

Nanawagan din si Villalobos sa mga dayuhan na magtungo muna sa kanilang tanggapan upang hindi mabiktima ng mga tinatawag na ‘fly-by-night’ na eskuwelahan.

Ang student visa ay ibinibigay sa mga dayuhan na nais mag-aral ng apat na taon kurso sa kolehiyo o unibersidad sa Pilipinas, habang ang SSP naman ay nakalaan sa mga nais kumuha ng special courses o kaya naman ay batayang edukasyon sa bansa.

Idinagdag pa ni Villalobos na unti-unti nang nababawasan ang mga dayuhan na nagtutungo sa kanilang tanggapan upang magsumite ng aplikasyon para sa student visa at SSP makaraang magpalabas ng direktiba si Commissioner Ricardo David Jr. na kailangan dumaan sa kinatawan ng isang paaralan upang mag-asikaso sa aplikayon ng dayuhan para mabigyan ng prebilehiyo na makapg-aral sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply