School principal binoga, patawirin

PATAWIRIN ngayon ang isang school principal makaraang barilin sa loob ng mismo ng kanyang opisina sa Sorsogon kagabi, Hunyo 25.

Nabatid na namamahinga umano bandang alas-9:20 kagabi sa kanyang opisina ang biktimang si Romeo Diamsen y Paje, ng San Juan Elementary School at residente ng Barangay Macabog, Bacon, Sorsogon nang bigla na lamang umano itong pasukin at barilin ng hindi nakilalang armadong lalaki.

Agad naisinugod sa Sorsogon Doctor’s Hospital ang biktima na nagtamo ng tama sa ulo, tiyan at hita.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply