Security guard nagbaril sa sarili

NAGBARIL sa sarili ang isang 46-anyos na security guard upang maresolba nito ang kinakaharap na matinding problema sa pananalapi kahapon ng umaga sa Makati City.

Natagpuan ni Marvin Angeles, 29, facility maintenance, ang duguang bangkay ng biktimang si Nazareth Bolongaita, 46, security guard ng Triad Security and Allied Services Inc, dakong alas-6:30 kahapon sa loob ng banyo ng Ducati Manila South Show room and Service Center na nasa 5448 South Superhighway.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Ronaldo Villaranda ng Homicide section ng Makati Police, nakatakda na sanang palitan ng kanyang reliever guard na si Nestor Obillo, 47,. ang biktima nang makitang pumasok ito sa loob ng banyo ng naturang establisimiento.

Ilang sandali lang ay narinig na ang isang putok ng baril mula sa loob ng banyo at dito na nakita ni Angeles ang duguang bangkay ng biktima na may tama ng bala sa ulo. Nakuha sa tabi ng bangkay ang kanyang service firearm na kalibre .38 revolver na ginamit sa pagpapakamatay.

Napag-alaman sa imbestigasyon ni Villaranda na may malalim na problema sa pananalapi ang biktima dahil kulang pa umano ang sinasahod nito sa pagbabayad lamang ng kanyang mga utang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply