Selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Malolos, Bulacan all set na

ALL SET na ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan na magsisimula mamayang alas-otso ng umaga.

Pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdiriwang.

Sa kasaysayan ng bansa, sa Malolos, Bulacan itinatag noon ang Malolos Congress.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mag-iikot si Pangulong Aquino sa mga lugar na may kinalaman sa Independence Day, Kaya naman ngayong taon ay sa Barasoain matapos makapagdiwang sa Kawit, Cavite at Luneta sa nakalipas na taon.

Taunan ding inaabangan ang talumpati ng Pangulo tuwing Araw ng Kalayaan.

Wika ni Lacierda, ang talumpati ni Pangulong Aquino ay may kinalaman sa kalayaan na ang tema ngayong taon ay “Kalayaan: Pananagutan ng Bayan sa Tuwid na Daan.”

“The speech will… Of course, he will speak about the Independence but the role of… It will be a philosophical speech, I believe. Something that lays down also the philosophy of what he’s fighting for. So that’s the—just a broad stroke,” wika ni Lacierda.

Pagktapos ang pagbisita sa ilang lugar na may selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, babalik sa Palasyo ang Pangulo para sa tradisyunal na vin d’honneur kasama ang diplomatic community.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply