Selosang misis todas sa pulis

PATAY ang isang nurse matapos barilin ng kanyang mister na miyembro ng Philippine National Police sa gitna ng kanilang pagtatalo na hinihinalang dahil sa matinding pagseselos ng una sa Sampaloc, Manila.

Si PO1 Nathaniel Legaspi, ng 2nd Regional Safety Battalion Police Regional Office sa Tuguegarao City at residente ng 01 Apitong St., San Gabriel, Tuguegarao City ay tinutugis ngayon dahil sa pagbaril at pagpatay sa asawang si Krizzia Legaspi, 26-anyos, tubong Tanza, Tuguegarao City at pansamantalang nanunuluyan sa NIC Apartment sa Manrique St., Sampaloc, Manila.

Base sa ulat ni Det. Alonzo Layugan na isinumite kay P/Sr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Unit, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang pagtatalo ng mag-asawa.

Ayon kay Lawrence Samonte, 44, maintenance ng nasabing apartment, nakarinig siya ng hiyaw ng babae na sinundan ng malakas na putok mula sa silid ng mag-asawang Legaspi.

Dali daling umakyat si Samonte upang alamin kung ano ang nangyari at dito umano niya nasalubong si PO1 Legaspi na nagmamadaling bumaba ng gusali na may bitbit na bag at nakasukbit ang baril nito sa likurang bahagi ng katawan.

Dumiretso si Samonte sa silid ng mag-asawa at bumungad sa kanya ang duguang katawan ng biktima dahilan upang ipagbigay-alam niya ito sa pulisya.

Nabatid na may dalawang linggo pa lamang na nangungupahan ang biktima sa nasabing apartment habang kahapon (Hunyo 6) ng hapon lamang dumating ang suspek na nagpakilalang Joshua Pacete kung saan sinabi nito sa may-ari na uupa siya ng kuwarto at limang araw lamang siyang manunuluyan.

Nagbayad pa ang suspek ng halagang P950 para sa kanyang pagtira sa nasabing apartment at inokupahan ang Room 202.

Nakumpirma na si Joshua Pacete at PO1  Nathan Legaspi ay iisa base sa nakuhang Identification card mula sa bag ng biktima.

Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply