Sen. Jinggoy nabukulan sa b-day ng ina

NAAKSIDENTE at nabukulan si Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada matapos mauntog ang kanyang ulo sa mesa ng isang condominium sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City noong Sabado ng gabi sa birthday celebration ng kanyang ina.

Nagka-bukol sa noo ni Estrada matapos na humampas ito sa gilid ng kahoy na mesa sa Penthouse ng Emar Suites kung saan nagkakasiyahan silang pamilya sa kaarawan ng ina niyang si dating Sen. Luisa “Loi” Ejercito Estrada.

Sa pagpasok nito sa sesyon ng Senado ngayon, halata pa ang pasa sa noo ng senador kung kaya’t maraming senador at media ang nakapuna at nag-usisa hinggil dito.

“Nauntog ako,” kagyat na paliwanag ni Estrada sa nangyari sa kanyang noo.

Kuwento ni Estrada, karga niya ang bunso niyang anak nang matapilok ito sa kanyang lakad at tumama ang kanyang noo sa mesa. Nagkaroon din ng kaunting galos ang kanyang anak.

Kinalingguhan, ipinasuri nito sa doktor ang nauntog nitong ulo, kung saan naging negatibo naman ito sa alinmang epekto ng pagkakabagok.

In-enjoy na lamang ni Jinggoy ang weekend sa panonood ng taped guesting niya sa Gandang Gabi Vice kagabi (Linggo, Hunyo 3) kung saan pinatawa siya ng husto ng komedyante bukod pa sa nagisa siya ng husto tungkol sa nakalipas na lovelife niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply